Taiwan - Magbubukas ng Kauna-unahang Recruitment Centre sa ibang bansa: Ano ang Ibig Sabihin Nito para sa Responsable at Makataong Pagkuha ng mga Migranteng Manggagawa
- Mahée Leclerc
- Ene 8
- 5 (na) min nang nabasa
Naghahanda ang Taiwan na buksan ang kauna-unahan nitong overseas recruitment centre na bubuksan sa Pilipinas sa unang bahagi ng 2026. Isa itong mahalagang pagbabago sa polisiya kung paano kinukuha ang mga migranteng manggagawa (OFWs), at kung sino ang dapat sumagot sa mga gastusin sa recruitment.
Ayon sa Ministry of Labor (MOL) ng Taiwan, papayagan ng bagong recruitment centre ang mga employer na direktang kumuha ng mga manggagawa nang hindi na dadaan sa mga pribadong broker o ahensiya. Sa ilalim ng modelong ito, ang mga pangunahing gastusin sa recruitment, tulad ng pamasahe sa eroplano, bayad sa medical at pagproseso ng visa, ay sasagutin ng employer, hindi ng aplikante.
"Though the center has yet to open, Labor Minister Hung Sun-han (洪申翰) said the MOL already has a special task force in place to take applications for workers from local employers starting Jan. 1, 2026.", Focus Taiwan.
Sa unang bahagi, tututukan ang mga sektor na may matinding kakulangan sa manggagawa, gaya ng hospitality at port-related services. Plano ring palawakin ito sa iba pang pangunahing bansang pinanggagalingan ng mga migranteng manggagawa tulad ng Indonesia at Thailand.
Inaasikaso mo ba ang pagsasaayos ng mga recruitment fee na sinisingil sa Taiwan?
Kahalagahan ng Pilipinas: Isang Nangungunang Bansa sa Pagprotekta sa Mga Migranteng Manggagawa
Ang pagpili sa Pilipinas bilang pilot country para sa overseas recruitment centre na ito ay isang estratehikong hakbang sa responsableng recruitment.
Matagal nang kinikilala ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Migrant Workers (DMW) at mga naunang ahensya, bilang isa sa mga nangunguna sa rehiyon at sa buong mundo pagdating sa proteksyon ng mga migranteng manggagawa at pagpapatupad ng maayos at makatarungang pamamahala ng recruitment.
Sa nakalipas na dekada, pinalakas din ng Pilipinas ang regulasyon sa mga pribadong recruitment agency, pinalawak ang pre-departure orientation, mga serbisyong pangkapakanan, at pinahusay ang mga mekanismo para sa reklamo at hinaing ng mga manggagawang Pilipino.
Bagama’t may puwang pa para sa pagpapabuti ng mga sistema, malaki na ang naging progreso sa pagpapahusay ng recruitment at pagpapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Dahil sa mga repormang ito, ang Pilipinas ay nagsilbing patnubay at batayan para sa mga bansa at organisasyong pandaigdig na nais labanan ang mga panganib ng sapilitang pagtatrabaho (forced labour) sa sistema ng migrasyon ng mga manggagawa.
Sa paggamit ng direktang sistema ng pagkuha ng manggagawa sa pagitan ng mga gobyerno (government-to-government recruitment approach) kasama ang Pilipinas, binubuo ng Taiwan ang isang sistemang pang-institusyon na inuuna ang proteksyon ng mga manggagawa bago pa man sila umalis ng kanilang bansa.
Mga Panganib sa Responsableng Recruitment sa Migrasyon ng mga Manggagawa sa Taiwan
Sa mga nakaraang panahon, nakabase ang Taiwan sa sistema ng recruitment na dumadaan sa mga ahente o intermediaries. Bagama’t legal, madalas itong nagdudulot ng mataas na recruitment fees na binabayaran ng mga migranteng manggagawa—karaniwang nagiging dahilan ng pagkabaon sa utang bago pa man sila makapagsimula sa trabaho. Bukod dito, may karagdagang lokal na “broker fees” o “service fees” na sinisingil ng mga Taiwanese recruitment agencies.
Ang ganitong mga gawain ay kadikit na ng patuloy na pagkabaon sa utang (debt bondage) ng mga manggagawa, isa sa mga pangunahing indikasyon ng sapilitang paggawa (forced labour) sa pandaigdigang supply chains ayon sa ILO indicators of forced labour, 2025 revised edition.
Patuloy na inilalantad ng mga kamakailang hakbang sa pagpapatupad ng batas ang mga kakulangan sa pagitan ng mga regulasyon at ng aktuwal na mga pagpapatupad sa recruitment. Ayon sa Taipei Times, Taiwan’s Ministry of Labor fined a labour broker more than NT$10 million (approximately US$318,000) for illegally charging migrant workers job-placement fees.
Napatunayang naningil ang broker ng mga bayad para sa job transfer at contract renewal, mga gastusing mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Employment Service Act (就業服務法), Sa ilalim ng batas, limitado lamang sa buwanang service fee ang maaaring singilin sa mga manggagawa.
Inilarawan ng mga awtoridad ang kasong ito bilang pinakamataas na multang naipataw sa ngayon kaugnay ng iligal na recruitment fees, kasunod ng mga reklamo ng manggagawa at isinagawang inspeksyon. Binanggit din na maaari pang masuspinde ang lisensya ng nasabing broker.
Kasabay ng mga hakbang sa domestic enforcement, mas tumindi rin ang pagbabantay sa mga recruitment practices sa Taiwan dahil sa mga trade-related actions, kabilang ang Withhold Release Order (WRO) laban sa Giant Bicycles na inilabas ng U.S. Customs and Border Protection. Malaki ang naging epekto nito sa paglalantad at pagsusuri ng mga panganib sa recruitment at labor practices ng mga kumpanyang may pandaigdigang supply chain.
Sa ganitong konteksto, ang hakbang ng Taiwan na direktang kumuha ng mga manggagawa mula sa ibang bansa ay tugon sa lumalaking pangangailangan para sa responsable at makatarungang recruitment at pananagutan sa pandaigdigang supply chain.
Pagtutugma sa Employer Pays Principle
Bagama’t hindi tuluyang aalisin ng bagong overseas recruitment centre ang lahat ng panganib na kaugnay sa recruitment, malinaw nitong ipinapakita ang mas malapit na pagsunod sa Prinsipyo ng Employer Pays, isang pangunahing sukatan sa pandaigdigang pamantayan ng makatarungang recruitment.
Sa aktwal na pagsasagawa, may potensyal ang modelong ito na:
Maiiwas sa pagkakautang ang mga migranteng manggagawa dahil sa mataas na gastusin sa recruitment.
Limitahan ang pag-asa sa mga intermediaries at sub-agents
Linawin ang responsibilidad ng employer sa mga gastusin na may kaugnayan sa recruitment
Suportahan ang maingat na pagsusuri ng kumpanya sa karapatang pantao alinsunod sa mga bagong regulasyon.
Para sa mga kumpanya att supplier na may operasyon sa Taiwan, ang mga pamamaraan ng recruitment ay hindi na lamang itinuturing na usaping etikal, ito rin ay malinaw na banta sa negosyo at reputasyon sa kanilang mga operasyon.
Ang Paraan ng Pagpapatupad ang Magtatakda ng Epekto
Tulad ng anumang reporma, nakasalalay sa implementasyon ang tagumpay ng inisyatibang ito. Mahalaga ang pagiging bukas sa impormasyon, pagbabantay, kakayahan ng mga manggagawa na humingi ng remedyo, at maayos na koordinasyon ng mga awtoridad sa bansang pinagmulan at destinasyon upang siguraduhing totoong mapapakinabangan ng mga migranteng manggagawa ang bagong sistema.
Para sa mga kumpanya, isa itong oportunidad upang:
muling suriin ang mga modelo ng pagkuha ng mga manggagawa (recruitment models)
tukuyin at ilarawan ang mga recruitment corridors
repasuhin ang mga posibleng gastusin o bayad sa recruitment, at paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mga supplier at recruitment partners.
Ang responsable at makatarungang recruitment sa Taiwan ay mabilis na umuunlad. Ang mga kumpanyang maagap na umaayon sa mga pagbabagong ito ay mas handa upang pamahalaan ang mga posibleng panganib, matugunan ang mga inaasahang regulasyon, at protektahan ang mga migranteng manggagawa sa kanilang supply chains.
Interesado sa Pagsasaayos ng mga Bayad sa Recruitment sa Taiwan?
Habang patuloy na masusing binabantayan ang mga paraan ng recruitment, maraming kumpanya at supplier ang muling sinusuri ang kanilang posibleng gastusin sa recruitment, panganib ng pagkabaon sa utang debt bondage), at mga senyales ng sapilitang paggawa (forced labour) sa Taiwan.
Nakatulong na ang aming team sa iba’t ibang recruitment-fee remediation initiatives sa Taiwan, kabilang ang:
Imbestigasyon sa recruitment fees at mga programa para sa remedyo,
Pagsusuri ng epekto sa karapatang pantao (Human Rights Impact Assessments o HRIAs) at ng panganib sa recruitment,
Pagbuo ng mga kasangkapan para sa masusing pagsusuri ng mga recruitment agency (due diligence) ng mga recruitment agency, at Pagsusuri ng mga kontrata at kasunduan sa recruitment kasama ang mga ahensya at tagapamagitan.
Ang gawaing ito ay tumutulong sa mga kumpanya natukuyin ang mga nakaraang at kasalukuyang panganib, gumawa ng mga pamamaraan para sa pag-aayos ng recruitment fees alinsunod sa pandaigdigang pamantayan sa responsable at makatarungang recruitment, at palakasin ang mga hakbang sa pag-iwas sa panganib sa kabuuan ng mga recruitment corridors.
Kung kasalukuyan mong sinusuri o ipinatutupad ang pag-aayos ng recruitment fees sa Taiwan, maari kang makipag-ugnayan sa amin upang pag-usapan ang saklaw, paraan ng proseso, at mga susunod mong hakbang.
Sources:

.png)
Mga Komento